Saturday, June 7, 2014

SA MGA PANATIKO NI PNOY...

Sa mga panatiko ni PNoy: :

Sa ayaw  at sa gusto ninuman, BATAS ang dapat umiral sa plunder case na kinakaharap ngayon nina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrtada.at ng ilan pa.

At HINDI ANG KAGUSTUHAN NI PNOY O SINUMAN SA INYO.

Hindi ako abugado pero buong tapang kong sasabihin na PAGBALI-BALIGTARIN  man ninyo ang LAHAT NG LIBRO TUNGKOL SA BATAS, WALA kayong makikitang nagsasabing kung sinuman ang may mas maraming ebidensiya kuno, o press release, iyon na ang tama o tutoo.

Ang batas ang GINAMIT na basehan ng gobyerno ni PNoy sa pagsasampa ng kaso laban sa mga senador at iba pang akusado.  

Kaya kung gaano kayo kasaya at kasigasig dahil dito. DAPAT LAMANG NA SUNDIN AT IGALANG NINYO ang lahat ng isinasaad sa batas, na HUSGADO (sa kasong ito ang Sandiganbayan) LAMANG ANG MAKAPAGSASABI kung nagkasala o hindi ang akusado.

HINDI SI PNOY, hindi si Justice Sec. Leila de Lima at lalong HINDI KAYO.

Kung iipagpipilitan ninyo ang istilo na gusto ninyo, sabihin ninyo sa Senado at Kongreso na gumawa ng batas na nagsasabing PARAMIHAN NA LAMANG NG PRESS RELEASE AT OPINYON O KOMENTARYO ng Pangulo ng bansa at ng nakararami kuno ang dapat sundin sa pagdesisyon ng anumang kaso.

Na IBASURA NA lamang ang Konstitusyon at ang Batas, at ISARA NA ANG LAHAT NG HUSGADO, PATI NA ANG KORTE SUPREMA, sa BUONG BANSA.

Pagkatapos noon, LANTARAN NINYONG KUMBIDAHIN ang mga pinuno ng mga komunistang bansang China at Russia na sila na rin ang mamuno sa ating bansa. Dahil ganun ang istilo sa kanila, ang kagustuhan at desisyon ng mga namumuno ng bansa ang nasusunod.

Kung ayaw ninyong gawin ito, ISARA NINYO ang mga bibig ninyo at HUWAG NINYONG LASUNIN  ang kaisipan ng mga kulang sa kaalaman o naguguluhan.

Hindi kayo nakakatulong sa paglutas ng problema, NAKAKADAGDAG KAYO!

At kung ipagpipiltan pa rin ninyo ang gusto ninyo, MAGINGAY DIN KAYO NG HUISTO sa pagtatanong ng mga sumusunod:

BAKIT WALANG KUWENTA O BREAKDOWN NA INILALABAS HAMNGGANG NGAYON SA BILYUN-BILYONG halaga ng mga donasyon na natanggap para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda?’

BAKIT hanggang ngayon ay WALANG AKSYON ANG Korte Suprema sa tanong ng marami kung LEGAL BA OP HINDI ANG DAP?

BAKIT AYAW PAIMBESTIGAHAN man lang ni PNoy ang mga tao niyang isinasangkot na sa ‘pork barrel; scam tulad nina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala?

SAAN NAPUPUNTA ang bilyun-bilyong pondo ni PNoy na  siya lanag ang may karapoatang gumastos? BAKIT KAHIT MINSAN AY WALA PA SIYANG INILALABAS na kuwenta tungkol dito?


Sige, tira, para makita natin kung PAREHAS KAYO o mga BAYARAN LANG!

1 comment:

  1. TAMA KA DIYAN,,ANU???MAY SASABIHIN PA KAYO?AKO WALA AKONG MASASABI SA MGA NASASAAD DITO,LAHAT AY TAMA,KAYO???ANUNG MASASABI NIYO???

    WELL,,AKO ITO ANG MASASABI KO,,ANG LAKAS NG TAMA KO,!!!!!

    ReplyDelete