Thursday, May 15, 2014

GARAPALANG KAIPOKRITUHAN NA SA NAPOLES LIST!




GARAPALANG KAIPOKRITUHAN AT PANGLILITO na ang ginagawa ng mga kinauukulan sa Napoles list.

A story in inquirer.net quotes PNoy as saying his allies on the Napoles lists are innocent until proven guilty under the law.

Pero kamakailan lamang, nagpahayag ng kumpiyansa ang Malacanang na HINDI MABABASURA tulad ng fertilizer scam ang ibang kaso laban kay dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo  dahil MALAKAS ANG EBIDENSIYA.

PNoy also declared that he wants the fertilizer  scam, case re-filed because “obligasyon ko sa Sambayanan manigurado (na) ‘pag naghain tayo ng kaso matibay ang ebidensya para talagang maparusahan ‘yung NAGKASALA.”

Take note of the world MAGKASALA, people. I lifted that from the inquirer.net story. That’s innocent until proven guilty, PNoy style, NOTHING LESS THAN THE HEIGHT OF SHAMELESS HYPOCRISY.

During the impeachment trial of then Chief Justice Renato Corona, PNoy and his boys in Malacanang REGULARLY DECLARED the supposed strength of the evidence against the accused.

Pag KALABAN, MALAKAS ANG EBIDENSIYA kahit hindi sila ang hukuman. Pag KAKAMPI, inosente hanggang sa mapatunayang guilty.    

For Senate President Franklin Drilon, he proudly declared that he has signed a subpoena for the digital files on the Napoles list of whistleblower Benhur Luy. Hye said it was recommended to him.

Pero nung subpoena para kay Napoles, AYAW AGAD PIRMAHAN ni Drilon at sinabi pa niyang hihingin muna niya ang opinion ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

KAPAG TESTIGO LABAN KAY NAPOLES, pirma agad si Drilon ng subpoena. Pero pag subpoena para kay Napoles, TEKA MUNA at kokonsulta muna siya bago niya pirmahan.

On De Lima, a story in the interaksyon news website says she’ll be at the Senate this afternoon to ask the Blue Ribbom Committee for more time before she reveals the contenbts of her copy of the Napoles list.

Kahit na KABI-KABILA NA ang naglalabasang kopya kuno ng listahan at NAKAKALITO NA, walang pakialam si De Lima at hindi pa rin siya magsasalita.

At WALA ring utos man lang si PNoy o De Lima na imbestigahan ang kabi-kabilang paglabas ng mga kopya kuno ng Napoles list.

Kinabukasan matapos niyang makuha ang listahan mula kay Napoles, AGAD NA IDINEKLARA ni De Lima na KINUMPIRMA ng diumano’y utak ng ‘pork barrel’ scam ang partisipasyon sa anomaly nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Pero WALANG SINABI si De Lima  na MAY ISINASANGKOT din na mga kaalyado ni PNoy. At nang mabulgar na ito, HINDI MUNA NIYA PAPANGALANAN dahil iimbestigahan pa niya.

Kung hindi pa rin KAIPOKRITUHAN AT PANGLILITO ITO, KAILANGAN na natin ng bagong diksyonaryo. May Part 2 ito mamayang  gabi.

HUWAG KAYONG PALOLOKO AT PALILITO, mga kababayan! 30



No comments:

Post a Comment