Saturday, March 30, 2013

PATI DIYOS, GINAGAMIT NA NI PNOY PUMOGI LANG


A story in abs-cbnnews.com quoted PNoy as saying like the resurrection of our Lord Jesus Christ, the country is starting to rise. 

PATI DIYOS, GINAGAMIT na ni PNoy MAKAPAGYABANG at MAGMUKHANG ‘POGI O MAGALING ‘ lang sa Sambayanan. Anong klaseng konsiensiya meron ang taong ito?

PNoy said: "Batid ng sinumang may malinaw na kaisipan na tulad ng pagbangon ni Hesukristo, bumabangon na rin ang ating bayan. Nagawa nating buhatin sa landas ng kaunlaran ang ating bansa.”

Kayo na ang sumagot, mga kababayan: BUMABA na ba, at patuloy bang bumababa, ang halaga  ng pagkain, gasoline, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan?

Mas marami ba kayong nabibili ngayon sa inyong kinikita kung ikukumpara noong bago maging presidente si PNoy?”

Has your salary increased? Has it ever been increased since PNoy became president? Is it continuously being raised because of the supposed economic progress PNoy is BOASTING OF?

Is it easier now to find a job than before? To buy a car or your own home, or secure credit or financing for it?

Ilan, kung mayroon man, ang alam ninyong BAGONG KALSADA, PIER, AIRPORT, o iba pang kahalintulad  na  proyekto na nasimulan o natapos nasa ilalim ng administrasyon ni PNoy. At hindi nasimulan noong nakaraang administrasyon, o mas maaga pa?

Mga proyektong PERA NG BAYAN, MGA BUWIS NATIN, ang ginamiit ha, hindi PAUTANG ng  ibang bansa?

Kung ang sagot ninyo sa mga tanong na ito ay HINDI o wala, anong kaunlaran ang sinasabi ni PNoy? Anong magandang bhay ang dapat nating asahan sa ilalim ng gobyerno niya?

Pnoy said before, Filipinos had to go overseas to work but now, “nagsisibalikan na sila dito dahil ramdam nila ang pagdagsa ng pagkakataon at ang kakaibang kumpyansa sa ating ekonomiya."

With more than two million of our countrymen JOBLESS  as latest reports show, NABABALIW ang sinumang OFW na babalik para dito na magtrabaho.

If PNoy is not LYING THROUGH HIS TEETH, let him or his boys present statistics – numbers, names, countries from where they came from –of supposed OFWs who have returned home to work.

Kapag wala silang maipapakitang detalye, bukod sa SINUNGALING ay WALA NA SILANG KONSIYENSIYA para sabihin man lang ito.

PNoy said: "…ngayon, tinutulungan natin ang mahigit 3,800,000 kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (or conditional cash transfer or CCT).”

It is an INDISPUTABLE FACT that the CCT was an IDEA of, and STARTED by, former President Gloria Macapagal-Arroyo. NOT PNOY, or any of his people. That simply means the CCT ALREADY HAD BENEFICIARIES when he became president.

Kung ilan man ang inabutan niyang beneficiary, NADAGDAGAN NA LAMANG niya. HINDI LAHAT nung sinasabi niyang 3,800,000 (na hanggang ngayon ay WALA ni isang dokumento na makapagpapatunay na tutoo ito) ay sa administrasyon na lamang niya natulungan.  

PNoy said:  ”…ngayon inaasahan ng mabura ang 66,800 backlog sa silid aralan bago matapos ang 2013."

But HE DID NOT CITE how many classrooms have indeed been built, or are being built. And since he said before 2013 ends, that can be up to Dec. 31 or God knows when. 

Kaya WALA pa ring katiyakan kung kalian matatapos ang pagdurusa ng mga batang estudyante.

DELIKADO NA TAYO, MGA KABABAYAN. 30




No comments:

Post a Comment