Sunday, July 19, 2015

HINDI DAPAT IBOTO SINA POE, ROXAS....

Ngayon pa  lamang, MALINAW pa sa SIKAT NG ARAW na  HINDI DAPAT IBOTO sina Sen. Grace Poe an DILG Sec. Mar  Rovas sa 2016 elections, lalo pa para sa pagka-presidene ng bansa. At bagho magwala o manginsulto ng personal ang mga panatiko ng dalawa, ISIPIN muna ninyo ito  MABUTI pag may time:

SUNUD-SUNOD na ang mga naglalabasang MAANOMALYA o kaduda-dudang nangyayari sa  Aquino Government. Nandiyan ang maanomalyang kontrata sa kaitenance ng MRT na ginawa pang basehan ng Office of the Ombudsman sa pagsasampa ng kaso sa ilang indibidwal; ang libo-libo, kundi man milyon, na mga bagong plaka ng sasakyan na ILANG BUWAN nang hindi makuha-kuha ng mga nagparehistro kahit na binayaran na  nila ito; ang  ibinunyag ni Sen. Ralph Recto na mahigit P6 bilyong halaga ng famit sa iskwela na HINDI PA NADE-DELIVER humigit-kumulang taon na;  ang HINDI MAISAMPANG DEMANDA laban sa mga suspect sa massacre ng SAF44 sa Maguidanaoa sa kabila ng  dalawang beses nang rkomendasyon ng mga NBI investigators at maramimpang iba.

Pero sa lahat ng ito, mas TAHIMIK PA SA LIBINGAN SA HATINGGABI sina Poe at Roxas. Si Poe, matapos IPAGYABANG na maayos at patas ang report ng kaniyang komite na nagimbestiga sa Mamasapano massacre, biglang HINDI NA INIULAT ito.. NI ha ni ho, WALA nang marinig kay Poe. Pulitika at pagtakbo sa pagka-presidente na lamang ang kanioyang bukam-bibig, at pagpapakuha ng larawang PA-CUTE kasama si Sen. Francis Escuderto ang kaniyang pinagkakaabalahan. SI Roxas, na kung tutuusin ay siyang dapat MAGING PINAKA-AGRESIBO sa pagdemanda sa mga killers ng SAF 44 dahil MGA TAUHAN NIYA RIN IYON bilang DILG secretary, WALA KANG MARINIG n isang salita. Kung ngayon pa lmaang na hindi pa sila presidenta ay LANTARANMG BALE-WAL;A sa kanila ang kahayupang ginawa sa SAF 44,  lalong WALANG DAPAT ASAHANG ang mga ordinaryong taong walanghiyain ng mga kakampi nila sa pulitika kung isa sa kanila ang magiging presidente.


WALANG PANAWAGAN O PAGKILOS para imbestigahan ang mga inihalimbawa kong mga anomalya at kwestyonableng mga nangyayari. Ni walang kondenasyon o pagtulisa man lamang. Sa madaling salita, parang WALANG NANGYAYARI.  Kahit na MILYUN-MILYON ang mga apektadong pasahero ng MRT, mga estudyanteng hindi pa natatanggap ang mga gamit sa iskwela at mga may-ari ng mga sasakyang hindi pa nakukuha ang kanilang mga plaka. Milyun-milyong BINABALE-WALA nila, pero gusto nilang makunan ng botro sa 2016,  Pag hindi pa rin tayo matututo at magigising,  KAAWAAN nawa tayo ng todo-todo ng Panginoong Diyos. 30

No comments:

Post a Comment