Monday, July 20, 2015

NAGPA-PANIC NA SI PNOY SA ELEKSYON!

NAGPA-PANIC na si PNoy sa election sa 2016.

Kinausap na naman niya si Sen. Grace kahapon, Hulyo 20, AY SILANG DALAWA LAMANG,  sa loob ng LIMANG ORAS  pero hindi pa rin niya nakumbinsi ito na umayon na  pagbigyan muna si DILG Sec. Mar Roxas sa pagkandidato bilang pgnulo sa halalan sa 2016.  Iisa lamang ang ibig sabihin nito:  ALAM ni PNoy na TAGILID ang kaniyang Liberal Party (LP), lalo na ang kaniyang magiging kandidato para presidente, kapag di nila nakuha si Poe. Kumbaga, TAPOS ang maliligayang araw nila sa LP, at SILA NAMAN ang tatambakan ng sari-saring KASO ng susunod na administrasyon.

Maliwanag na EBIDENSIYA ito na KASINUNGALINGAN ang pinagmamalaki ng LP na  POPULAR pa rin si PNoy sa masa at ang basbas oa rin nito sa magiging (mga) kandidato ng LP ang matgdadala sa kanila sa tagumpay. Kung hindi kasinungalingan, HINDI NA SANA KUKULITIN at halos magmakaawa na si PNoy kay Poe. Kung talagang naniniwala si PNoy na ang basbas niya pa rin ang susi sa panalo ng LP, dapat ay nilubayan na niya si Poe at pumili na ng iba.

Kaya’t humanda kayo, mga kababayan, sa mala-Ondoy na BAHA NG PRESS RELEASES at iba pang gimikl sa patuloy na POPULARIDAD KUNO ni PNoy at kasipagan at dedikasyon sa rrabaho ng umaasang magiging LP presidential bet  na si  DILG Sec. Mar Roxas. Asahan na rin natin sa mga darating na araw ang sunud-sunod na proyektong aaprobahan o sisimulan na ng gobyerno ni PNoy para sa higit na nakararaming Pilipino kuno.

Ang lahat ng ito ay para IKUNDISYON ANG ATING MGA UTAK na si Roxas at ang LP pa rin ang dapat magwagi sa eleksyon upang maipagpatuloy nila kuno ang sari-sari nilang proyekto o programa. SASAKIT ang ating mga MATA AT TENGA sa gagawing ‘pa-pogi’ sa media ng Malacanang at ng mga tao nila. Kapag nangyari na ito, isa lang ang dapat nating itanong – BAKIT NGAYON L;ANG!

Kung MAS MARAMI pa rin ang PALOLOKO AT PABUBULAG, KAAWAAN nawa ng Diyos an gating bansa.30



No comments:

Post a Comment