Sunday, November 9, 2014

KABASTUSAN SA SANTO PAPA NG PNOY GOV'T!

Tanggapin man o hindi ng Malacanang, PAMBABASTOS SA SANTO PAPA ang plano nilang pagasara ng Tacloban City Airport at paglilipat nito sa bayan na kontrolado ng KAALYADO NI PNOY.

PAMBABASTOS hindi lang sa Santo Papa kundi pa na rin sa mga biktima ng bagyong si ‘Yolanda.’

ILANG BUWAN na ang nakalilipas mula nang makumpirma ang pagdating ng Santo Papa sa Enero sa isang taon.

Kasama na rito ang DERECHAHANG pahayag ng Santo Papa na GUSTO NIYANG MAKASAMA ANG MISMONG MGA BIKTIMA ni ‘Yolanda,’ at wala nang iba pa, sa isang kainan ss Tacloban City.

At kay PNoy na rin mismo galling na ang pagaaral na nagbibigay-katwiran para sa isang bagong airport ay nasa kaniyang mga kamay na PAGKATAPOS MISMO ng paghagupit ni ‘Yolanda.’

Pero makaraan ang isang taon, NGAYON LANG ISASARA ang Tacloban City Airport, kung kalian PARATING NA ANG SANTO PAPA.

Imbes na GAWING MAS MABILIS AT MAS KOMPORTABLE para sa Santo Papa ang kaniyang pagbisita sa mga biktima ni ‘Yolanda,’ HAHARANGIN O PAHIHIRAPAN nila ito.

Ng WALANG ANUMANG ALTERNATIBONG PARAAN O DAAN SILANG IBINIBIGAY. Itama ako ninuman kung mali ako.

WALA NANG BALAK GUMASTOS ang gobyerno ni PNoy para sa anumang dapat gawin Tacloban City Airport upang walang anumang maging sagabal o problema sa pagdating ng Santo Papa.

Pero handa silang GUMASTOS NG P12 BILYON para sa bagong airport sa bayan ng kaalyado ni PNoy. Kung hindi pa rin ito PAMBABASTOS sa Santo Papa  para sa mga panatiko ni PNoy, kaawaan nawa kayo ng Panginoon.

Taglay ng Santo Papa ang BASBAS AT PANALANGIN NA KAILANGANG KAILANGAN  ng mga biktima ni ‘Yolanda,’ pati na ng kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa trahedya.

Pero WALANG PAKIALAM ang gobyerno ni PNoy.

Kaya’t isama na ninyo rito ang PATAK-PATAK na tulong at USAD PAGONG na rehabilitasyon at kung hindi pa rin ito PAMBABASTOS sa mga biktima ni ‘Yolanda,” mas lalo na sanang kaawaan nig Diyos ang mga panatiko ni PNoy.

Lalo na ang ating bansa. 30




No comments:

Post a Comment