Monday, November 10, 2014

IPAGTANGGOL AT TULUNGAN NATIN ANG SANTO PAPA!

Ngayon pa lang,  IPAGTANGGOL AT TULUNGAN na natin ang Santo Papa laban sa PAMBABASTOS AT PANGAABALA na daranasin niya sa kaniyang pagbisita sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ kapag isinara ang Tacloban City Airport sa mga malalaking eroplanong tulad ng kaniyang sasakyan.

Taga-Taclobvan man o hindi ay mayroong magagawa.

Sa mga taga-Tacloban, ngayon pa lamang ay tulungan na ninyo ay pamahalaang lokal sa PAGHAHANAP NG IBANG MAAARING LAPAGAN ng eroplano ng Santo Papa.

Kung may makikita kayo ay agad ninyong ipagbigay-alam sa mga lokal na opisyal, at kayo ay tumulong sa anumang dapat gawin upang maihanda agad ang naturang lugar sa pagdating ng Santo Papa.

Mabigat man o magaan ang  magiging gawain.

Kung walang pagkakasyahan ang sasakyan ng Santo Papa, magplano na kayong lahat (mamamayan man o lokal na opisyal) kung ano ang alternatibong maari niyang sakyan na angkop sa paglalapagan.

Kung kinakailangan, mangako na ngayon pa lang ang mga mayayaman na ipagagamit nila ang  anumang alternatibong sasakayan na mayroon sila.

Kung kailangang magrenta, tumulong ang mga mayayaman sa lokal na pamahalaan sa gastusin at magdonasyon din ang sambayanan para mas mabilis na maipon ang kakailanganing halaga.

Sa mga hindi naman taga-Tacloban, tuluy-tuloy tasyong magmatyag at sumubaybay sa mga nangyayari sa mga biktima ni ‘Yoalnda’ at regular natin itong ipaalam sa Santo Papa.

Paano? Alamin natin ang website ng Vatican na siang tirahan at tanggapoan ng Santo papa sa Roma sa Italya. O kaya ay ang website ng kaniyang kinatawan dito sa Pilipinas, ang tanggapan ng Papal Nuncio.

Ms maganda, mga kababayan, kung ang maipapabatid nati sa Santo Papa ay masasamahan natin ng mga litrato blang ebidensiya.

Ngayon pa lamang ay dapat kumilos na ang lahat ng taga-Tacloban, pati na ang iba pang mga taga-Leyte.

Kailangang matiyak nila na makakarating doon ang Santo Papa at makakausap sila ng personal tungkol sa tunay nilang kalagayan matapos ang trahedyang idinulot ng ‘Yolanda.

Kabilang sa biyayang dala ng Santo Papa ay ang kaniyang pagbasbas at panalanging idedrecho niya sa Panginoon base sa mga katotohanang ipaaalam ninyo sa kaniya.
 ’
HUWAG KAYONG PATALO SA KAPRITSO ng gobyerno ni PNoy na pagsasara ng inyong airport at  paglipat nito sa Palo, na KONTROLADO ng kaalyado ni PNoy

Lalo pa at PINASINUNGALIGAN na ng Japan International Cooperation Agency ang mga pahayag ng gobyerno ni PNoy na sa kanila  nanggaling  ang pagaarala na nagrerekoemna ng pagsasara ng Tacloban City Airport at paglipat nito. 30.


No comments:

Post a Comment