Wednesday, November 12, 2014

PAANO AKO NAGING TAO NI BINAY?

I have been accused by a handful of being a paid writer of Vice-President Jejomar Binay following my preceding blog “THERE’S MORE THAN MEETS THE EYE IN BINAY CIRCUS!”

Despite my CATEGORICAL statement that I do not work for Binay in any manner whatsoever and ANYBODY CAN VERIFY THIS ANYTIME, ANYWHERE AND FROM ANYONE.

I repeat those words. And allow me to add the following, ladies and gentlemen, sa Tagalog para mas lalong maintidihan:

HINDI KO SINABI KAILANMAN na inosente si Bise-Presidente Binay sa mga paratang laban sa kaniya. Nasabi ko na minsan na HANGGANG NGAYON, WALA PANG MAIPAKITANG EBIDENSIYA NA HINDI NA MAIKAKAILA ni Binay ang sinuman.

Pero HINDI AKO NANAWAGAN KAHIT KAILAN na itigil na ang pagdinig nina Senador Koko Pimentel. Alan Cayetano at Antonio Trillanes 

Kaya paano ako naging tao ni Bise-Presidente?

Sa ayaw at sa gusto ninuman, isa tayong demokrasyang bansa na ang BASEHAN NG KATOTOHANAN AY EBIDENSIYA, HINDI SALITA LAMANG O DAMI NG PRESS RELEASE ng isang panig.

Ngayon, tulad ng sinabi ko sa blog ko tungkol kau Trillaes bilag isang publicity seeker, siya at sia pimental at Cayetano ay nasa Senado HINDI LAMANG para kay Binay.

Nasa Senado sila para sa mga karapatan at kapakanan ng BUONG SAMBAYANANG PILIPINO.

Subalit mula nang simulan ngtatlong senador ang pagdinig sa mga akusasyon laban klay Binay, WALA NA TAYONG IBANG NABALITAAN O GINAWA NILA kundi ito.

Itama ako ninuman kung mali ako. Pero Isipin  ninyo ito, mga kababayan:

Isang taon na ang TULUY-TULOY NA PAGHIHIRAP ng daan-daang libo o milyon pang biktima ni super bagyong ‘Yolanda.’

Kailan ninyo nabalitaan o nakita ang snuman kina Pimentel, Trillanes at Cayetano na nagsalita tungkol sa kung paano matutulungan ang mga biktima? Kailan ninyo nabalitaan na kahit  minsan ay personal na nagtungo ang sinuman sa tatlong senador sa mga biktima ni ‘Yolanda’ upang makiramay at ibigay ang anumang maitutulong  nila?

Ako WALA sa parehong katanungan. Kung mali ako ay itama ako ninuman.

Kahit minsan ba ay nabalitaan na ninyo ang sinuman sa tatlong senador na nanawagan ng pagsisiyasat sa DAP, PDAF at iba pang anomalyang diumano’y kinasasangkutan ng mga kakampi ng gobyerno ni PNoy? Ako, kahit minsan hindi.

Pero dito sa mga binigay kong halimbawa, DAAN-DAANG BILYONG PISO at millyun-milyong ang halaga at bilang ng tao na naapektuhan o nagdusa. Na MAS MALAKI AT MAS MARAMNG di hamak sa mga halagang sinisiyasat kay Binay at sa populasyon ng Makati na wala pa raw isang milyon.

Pero HINDI HALOS PINAPANSIN ng tatlong senador.

Panatiko na lamang ni PNoy o santo ang hindi pupuna sa ganitong sitwasyon. Sayang, hindi ako santo. 30


No comments:

Post a Comment