I
have been accused by a handful of being a paid writer of Vice-President Jejomar
Binay following my preceding blog “THERE’S MORE THAN MEETS THE EYE IN BINAY
CIRCUS!”
Despite
my CATEGORICAL statement that I do not work for Binay in any manner whatsoever
and ANYBODY CAN VERIFY THIS ANYTIME, ANYWHERE AND FROM ANYONE.
I
repeat those words. And allow me to add the following, ladies and gentlemen, sa
Tagalog para mas lalong maintidihan:
HINDI
KO SINABI KAILANMAN na inosente si Bise-Presidente Binay sa mga paratang laban
sa kaniya. Nasabi ko na minsan na HANGGANG NGAYON, WALA PANG MAIPAKITANG
EBIDENSIYA NA HINDI NA MAIKAKAILA ni Binay ang sinuman.
Pero
HINDI AKO NANAWAGAN KAHIT KAILAN na itigil na ang pagdinig nina Senador Koko
Pimentel. Alan Cayetano at Antonio Trillanes
Kaya
paano ako naging tao ni Bise-Presidente?
Sa
ayaw at sa gusto ninuman, isa tayong demokrasyang bansa na ang BASEHAN NG
KATOTOHANAN AY EBIDENSIYA, HINDI SALITA LAMANG O DAMI NG PRESS RELEASE ng isang
panig.
Ngayon,
tulad ng sinabi ko sa blog ko tungkol kau Trillaes bilag isang publicity
seeker, siya at sia pimental at Cayetano ay nasa Senado HINDI LAMANG para kay
Binay.
Nasa
Senado sila para sa mga karapatan at kapakanan ng BUONG SAMBAYANANG PILIPINO.
Subalit
mula nang simulan ngtatlong senador ang pagdinig sa mga akusasyon laban klay
Binay, WALA NA TAYONG IBANG NABALITAAN O GINAWA NILA kundi ito.
Itama
ako ninuman kung mali
ako. Pero Isipin ninyo ito, mga
kababayan:
Isang
taon na ang TULUY-TULOY NA PAGHIHIRAP ng daan-daang libo o milyon pang biktima
ni super bagyong ‘Yolanda.’
Kailan
ninyo nabalitaan o nakita ang snuman kina Pimentel, Trillanes at Cayetano na
nagsalita tungkol sa kung paano matutulungan ang mga biktima? Kailan ninyo
nabalitaan na kahit minsan ay personal
na nagtungo ang sinuman sa tatlong senador sa mga biktima ni ‘Yolanda’ upang
makiramay at ibigay ang anumang maitutulong
nila?
Ako
WALA sa parehong katanungan. Kung mali ako ay itama ako ninuman.
Kahit
minsan ba ay nabalitaan na ninyo ang sinuman sa tatlong senador na nanawagan ng
pagsisiyasat sa DAP, PDAF at iba pang anomalyang diumano’y kinasasangkutan ng
mga kakampi ng gobyerno ni PNoy? Ako, kahit minsan hindi.
Pero
dito sa mga binigay kong halimbawa, DAAN-DAANG BILYONG PISO at millyun-milyong ang
halaga at bilang ng tao na naapektuhan o nagdusa. Na MAS MALAKI AT MAS MARAMNG
di hamak sa mga halagang sinisiyasat kay Binay at sa populasyon ng Makati na wala pa raw
isang milyon.
Pero
HINDI HALOS PINAPANSIN ng tatlong senador.
Panatiko
na lamang ni PNoy o santo ang hindi pupuna sa ganitong sitwasyon. Sayang, hindi
ako santo. 30