Saturday, February 16, 2019

Forum Philippines: TAKBUHIN KA NAMAN PALA, RESSA

Forum Philippines: TAKBUHIN KA NAMAN PALA, RESSA: Kung makadaldal ka, Maria Ressa, akala mo kung sino kang matapang. May banta ka pang you will hold the government accountable for vi...

TAKBUHIN KA NAMAN PALA, RESSA


Image result for IMAGES FOR MARIA RESSA
Kung makadaldal ka, Maria Ressa, akala mo kung sino kang matapang. May banta ka pang you will hold the government accountable for violating your rights. Yun pala, TAKBUHIN KA. Kay presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo pa lang, ATRAS KA NA AGAD.

A story in https://newsinfo.inquirer.net/1086626/ressa-confronts-panelo-in-radio-show-over-her-cases cited excerpts from a verbal confrontation between Ressa and  Panelo in a radio program.

Ressa: “The big picture is I posted bail six times in two months and that is not regular.”  Panelo: “If you were charged six times, then you will post bail six times.” NO RESPONSE from Ressa.

Panelo: Ressa’s cyberlibel case had nothing to do with press freedom. It was filed by a private individual, Wilfredo Keng, whom the President does not know. There were  no irregularities on Ressa’s arrest last. Feb.13. The warrant was served on a weekday and the arresting NBI agents were not required to show an information sheet as she had wanted. The law says “it (arrest warrant) can be served anytime… The law should be similar to all people.”

Ressa: She could counter “every single” one of Panelo’s statements, but it would be a “waste of time” for the people.

PURO DALDAL KA NA NGA, RESSA, STYLE MO BULOK PA! Kung tatakbo ka rin lang pagkatapos mong pumutak, doon ka na lang sa Luneta! Kumontra na ang kokontra!
                                                                   ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


Friday, February 15, 2019

Forum Philippines: INTRIGERONG DUWAG SI MACALINTAL

Forum Philippines: INTRIGERONG DUWAG SI MACALINTAL: In a story in https://news.abs-cbn.com/news/02/14/19/hindi-kami-magnanakaw-otso-diretso-touts-clean-record-at-expense-of-other-bets , Ro...

INTRIGERONG DUWAG SI MACALINTAL


Image result for images for romulo macalintal
In a story in https://news.abs-cbn.com/news/02/14/19/hindi-kami-magnanakaw-otso-diretso-touts-clean-record-at-expense-of-other-bets, Romulo Macalintal was quoted as saying in a campaign rally: “Kaming mga Otso Diretso, hindi kami kilala. Hindi talaga kami kilala sa pagnanakaw.”

INTRIGERONG DUWAG pala itong mamang ito!

Magpapatama sa mga sikat na kalaban nilang kandidato na naakusahan ng pagnanakaw, pero WALA NAMANG PINANGALANAN! Kaya bale lahat ng sikat na kandidato para senador, DAMAY sa parinig ni Macalintal. Ganito KADESPERADO ang mamang ito makilala lamang ng mas nakararami.

Ang TUNAY NA LALAKI, PINANININDIGAN ang sinasabi. Hindi PURO DALDAL lamang. TSISMOSONG  DUWAG lamang ang gumagawa ng ganoon.

Para sa kaalaman ng lahat, at IN FAIRNES sa lahat ng IBA PANG KANDIDATO PARA SENADOR, KAHIT ISA sa kanila ay WALA pang napapatunayan sa husgado na guilty sa pagnanakaw.  Sa batas natin, HUSGADO LAMANG ANG MAY KARAPATAN na humatol kaninuman.  

Kaya isipin  ninyong mabuti, mga kababayan: Ngayon pa lamang ay ganito na ginagawa ni Macalintal.  Paano na lalo kung magiging senador iyan?
                                                              ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


Forum Philippines: DAYAAN SA VP POLLS, ILABAS NA RIN NINYO, COMELEC!

Forum Philippines: DAYAAN SA VP POLLS, ILABAS NA RIN NINYO, COMELEC!: Sa Comelec: Inilabas na rin lang ninyo ang mga kandidatong may illegal na posters, at nagdiscuss na ng kung ano-ano pa sa halos araw-ara...

Forum Philippines: DAYAAN SA VP POLLS, ILABAS NA RIN NINYO, COMELEC!

Forum Philippines: DAYAAN SA VP POLLS, ILABAS NA RIN NINYO, COMELEC!: Sa Comelec: Inilabas na rin lang ninyo ang mga kandidatong may illegal na posters, at nagdiscuss na ng kung ano-ano pa sa halos araw-ara...

DAYAAN SA VP POLLS, ILABAS NA RIN NINYO, COMELEC!


Image result for images for bongbong marcos with leni robredo
Sa Comelec: Inilabas na rin lang ninyo ang mga kandidatong may illegal na posters, at nagdiscuss na ng kung ano-ano pa sa halos araw-araw ninyong press releases, MAGBULGAR NA RIN KAYO SA MGA DAYAAN sa vice-presidential (VP) race noong 2016 elections. Lalo na ng mga pangalan ng mga dapat managot.

Kung WALA pa rin kayong ilalabas na mga detalye, maghanda kayo ng singtibay ng adobeng bato na paliwanag kung bakit hindi rin kayo dapat pagdudahang may PINOPROTEKTAHAN kayong mga mandaraya.

Halos TATLONG TAON na ang nakaraan matapos ang 2016 elections.  Kabi-kabila na ang mga PISIKAL NA EBIDENSIYA ng dayaan na nadiskubre.  Tulad ng mga basa, punit at amoy kemikal na mga balota sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo; pre-shaded ballots sa mula sa Camarines Sur sa pangalan ni Robredo at mga PEKENG BOTANTE sa Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur na nadiskubre ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan at ng mga eksperto ng Comelec.

Halos dalawang taon nang pinetisyon ni Bongbong na bale-walain ang resulta ng halalan sa Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur dahil sa malawakang dayaan.

Pero HANGGANG NGAYON, Comelec, KAHIT ISA AY WALANG NABABALITA na kinasuhan na ninyo.  O pinarusahan sa anupamang paraan, tulad ng suspension o multa. Samantalang TUKOY naman ang mga lugar na pinagmulan ng mga ebidensiya ng dayaan. At may listahan kayo ng mga tauhan ninyong naka-assign sa mga lugar na iyon noong 2016 elections.

SOBRA-SOBRA na ang halos tatlong taon para ipaalam ninyo sa sambayanan  ang nangyari o nangyayari sa mga dayaan. At pangalanan na ang mga dapat managot.

ANO O SINO ang pumipigil sa inyo, Comelec, para ilabas ang mga dfetalye ng mga dayaan at ang mga pangalan ng mga nasasangkot at dapat kasuhan?  Kung WALA KAYONG TINATAGO O PINOPROTEKTAHAN, LALONG WALANG MORAL AT MATINONG DAHILAN para patuloy kayong manahimik sa dayaan noong 2016.

LUGING LUGI, AGRABYADONG AGRABYADO na sa inyo, Comelec, ang sambayanan. Kumontra na ang kokontra.
                                                      ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


Thursday, February 14, 2019