Wednesday, May 3, 2017

DELIKADO SI BONGBONG SA COMELEC!

Image result for bongbong marcos images








May 3, 2017

DELIKADO ang protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo sa Comelec.

Ibinulgar ni election expert Glenn Chiong sa isang Facebook post na sumulat ang Comelec upang humingi ng pahintulot mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na sa kanila muna ibigay ang “temporary prior custody” ng mga ballot boxes at mga laman nito, recount ng mga balota at iba pang election documents/paraphernalia tulad ng Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL), Voters’ Registration Record (VRR), Book of Voters (BOV), at mga data storage devices na ginamit noong halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). May protesta daw kasi si Abdusakur Tan laban sa nakaupong Gobernador na si Mujiv Hataman.

DELIKADO SI BONGBONG DAHIL: Anong ga-mundong dahilan mayroon ang Comelec para magkaroon ng SAGARANG KAPAL NG MUKHA na ang PET pa ang gusto nilang maghintay sa kanila para sa mga boto mula ARMM? Gusto pang palabasin ng Comelec na MAGKA-LEVEL sila ng PET kaya hindi sila nahihjiyang humingi ng ganung klaseng permiso.

KADUDA-DUDA na kung kalian matutuloy na ang recount ng mga boto nina Bongbong at Leni, saka BIGLANG HIHILINGIN ng Comelec na mauna na muna sila sa pagrecount ng mga balota mula sa ARMM.  Kung ang protesta ni Tan laban kay Hataman ang dahilan, dapat NOON PA NILA PINAKUHA ang mga boto ng ARMM. Noon pa nila dapat sinigil si Tan ng recount fee. BAKIT NGAYON LANG? At kahit saan daanin, MAS IMPORTANTE ang posisyon ng bise-presidente kesa gobernador. Kaht na hindi ko alam ang eksaktong bilang, lalaban ako ng pustahan na MAS MARAMI ng ilang daang libo o milyon ang mga apektadong boto para sa bise-presidente kesa gobernador. Kaya KATAKATAKA namang hindi makapaghintay ang Comelec na matapos muna ang PET.

Kung papayagan ng PET ang Comelec, HUWAG NATING KALIMUTAN mga kababayan: WALANG ANUMANG GINAWA O NAIULAT NA AKSIYON ang Comelec  sa lahat ng mga KWESTYONABLENG NANGYARI na  mula nang isampa ni Bongbong ang protesta niya  laban kay Leni.  Ilang halimbawa: Ang HINDI AWTORISADONG PAKIKIALAM ng Smartmatic sa script ng transparency server noong gabi ng eleksiyon, ang PAGAMIN ng Smartmatic na gumamit sila ng iba pang server na kahit sa Comel;ec ay HINDI NILA PINAALAM at ang PAGKAKAROON NG LAMAN ng mga SD cards na  nauna nang idineklara ng Comelec na hindi nagamit noong halalan.

MASAHOL pa sa GARAPALAN ang PANGGAGAGO na gustong gawin ng Comelec sa atin, mga lababayan. 30








14 comments:

  1. Hawak ng dilawan ang PET malinaw yan, Naguumpisa na ang mga dilawan naunana si Miss Gina ng DENR,tayong lahat na supporter ni Bongbong wag tayo papayag na di babalik ang Marcos sa Malacanan. at kung dilawan pa rinang mamumuno sana sakupin na lang tayo ng America o Russia o Japan.

    ReplyDelete
  2. dapat wag idaan sa kanila ang mga ballot boxes kasi alam na alam na natin lahat na gagawin nila lahat ng paraan para d makapasok si bbm,,.. at kapag napatunayan na nans
    daya sila.. sana buong tao ng commelec ay aisin,, palitan ng mga bagong tao.. katulad sa taiwan kapag nahuli ang isang mataas na opisyales lahat ng mga hawak nilang tao hanggang sa pinaka ka mababa na pwesto ay matatngal.. sana ganun din anag gawin dito sa pinas para mag isip muna ang nasa taas na pwesto dahil maraming pamilya ang nakasalaly sa kanya kapag ang mataas na opisyales ay nag luko

    ReplyDelete
  3. hindi ba pwedeng isabay na lang ang bilangan ng VP at gov

    ReplyDelete
  4. Mukhang may ginagawa na namang kabulastugan ang Comelec, dapat hindi pagbigyan ng PET. Halatang halata ang mga ginagawa nilang kawalanghiyaan.

    ReplyDelete
  5. IT IS VERY OBVIOUS THAT THE COMELEC WANTED TO MANIPULATE AGAIN THOSE ELECTORAL RESULTS. PET SHOULD NOT ALLOW THE COMELEC TO HAVE THOSE BALLOT BOXES ETC UNDER THEIR COSTUDY. NANDAYA NGA SILA, SURE COMELEC WILL DO THE SAME AGAIN.

    ReplyDelete
  6. malaking bagay si BBM para sa kasalukuyang administrasyon at para sa bayan. Kung ano man ang suportang binigay natin sa ating presidente, sana ay ganon din para kay BBM

    ReplyDelete
  7. Dapat kumilos ang mga BBM groups na kalampagin ang PET na unahin ang recount ni BBM.Walang dahilan na di unahin ang protest ni BBM dahil matagal na ang 1taon na paghihintay.Hindi dapat maantala pa.Kung pagbibigyan ng PET ang COMELEC, maliwanag na magkakasabwat ang mga yan sa pagtatakip ng malawakang DAYAAN!

    ReplyDelete
  8. Dapat kumilos ang mga BBM groups na kalampagin ang PET na unahin ang recount ni BBM.Walang dahilan na di unahin ang protest ni BBM dahil matagal na ang 1taon na paghihintay.Hindi dapat maantala pa.Kung pagbibigyan ng PET ang COMELEC, maliwanag na magkakasabwat ang mga yan sa pagtatakip ng malawakang DAYAAN!

    ReplyDelete
  9. Ano, yon ,, para dayain uli, nagbayad na nga si BBM.
    Bakit ba? Ayaw namin ki lenie,
    Hawak nyo an pagbilang pero finaya nyu..
    Bakit lakas loob nyong makiusap,, na wala sa hustisya..sabay bukas.

    Sana mag world war na lng
    Total Parang suucide na rin an buhay ng Pinoy kon si Fraud lenie pairalin,
    Wala nang hustisya an Pilipinas


    ReplyDelete
  10. Para imagic na naman ang laman ng balota??? Di na yan katanggap tanggap!kung ganun lang sana kadali snap election na lng sana

    ReplyDelete
  11. we Filipino have enough and are sicken of what's going on.the president should have the mandate to interfere sa mga nangyayaring anomalyasa Pilipinas,at hindi lang ifocus sa war on drugs.sana mapalitan ang mga tao sa PET/SC kasi mga ipinaupo pa mga yan ng previous admin aquino para protectahan ang personal interest nila.huwag pahintulotan na madaya ulit ang protesta ni BBM!!!

    ReplyDelete
  12. maraming hurado ang mga dilawan,sa comelec halos dilawan,kaylangan na kumilos ang taong bayan,harap harapan ng pangloloko naito.hindi magkalayoan ang people power mangyayari.

    ReplyDelete