Wednesday, December 17, 2014

VFA NEGOTIATORS MUST BE PROBED!

The negotiators to the Visiting Forces Agreement (VFA) must be QUESTIONED AT ONCE for the NATIONAL HUMILIATION we are now going through in the murder case against US Marine Private Joseph Scott Pemberton.

The negotiators owe the people an explanation on the VFA provision which allows the US to retain custody of its soldiers even if the crime involved is a capital one like murder.

And if they can’t give a moral justification for it, I sure hope THEY CAN BE CHARGED AND JAILED as well.

Kababayan natin ang pinatay ni Pemberton, si Jaime Laude. Sa bansa natin siya pumatay. Pero dahil sa VFA, HINDI TAYO ang may hawak sa kaniya kundi ang Amerka, ang kaniyang bayan.

Sa halip na sistema ng hustisya natin ang tanging masunod, may karapatan ang Amerika na huwag ibigay sa atin si Pemberton. Kababayan natin ang namatay pero sila ang masusunod kung ano ang gagawin dito.

BINABOY at INISULTO ng probisyon na iyun ang DIGNIDAD NATING MGA PILIPINO. MASAHOL PA TAYO SA ALIPIN na puwedeng agrabyaduhin anumang oras at ang nangagrabyado ang masusunod kung paano siya TATRATUHIN.

Pero NASIKMURA ng mga negosyador na imasama ito sa VFA. 

Kaya’t DAPAT MALAMAN ng Sambayanan kung SINO AT BAKIT naisipan ng may pakana ang probisyon na iyun.

Hindi naman siguro ganun KATATANGA  ang mga negosyador para hindi maisip na MALAKING INSULTO AT KAHIHIYAN ang idudulot ng probisyon sa aating bansa.

We must find out who gave the final approval for the inclusion of the provision in the VFA talks and why.

If our negotiators will claim that the provision came from their American counterparts, the question is did they object to it? If yes, how vigorous? What exactly did they do?

If NO, WHY NOT?  How did they have the STOMACH to disregard our national dignity with the provision> Did they do it on their own or were they ordered not to, by their superiors? Then don’t be surprised

If PNoy’s Government won’t be able to get custody of Pemberton, don’t be surprised, guys, if God forbid, more Laudes will follow. And we will be the laughing stock of the whole world when it comes to our justice system.30

 








No comments:

Post a Comment