Thursday, May 25, 2017

MAUTE ANG LABANAN NINYO, HINDI SI DUTERTE!

Image result for rodrigo duterte

May 25, 2017

Sa mga daig pa ang manok sa KAKADALDAL kontra sa Martial Law sa Mindanao, KAKAMPI ba kayo ng Maute terrorists o kargado kayo ng droga at hindi alam ang tunay na kalaban? O pareho?

MAUTE TERRORISTS ang nanggulo sa Marawi City. Sila ang PUMATAY ng mga residente, NANUNOG, NANG-HOSTAGE at kung ano-ano pa.  SILA ANG DEMONYO, ANG WALANGHIYA. Kaya MAUTE TERRORISTS ang LABANAN O KONTRAHIN ninyo. Hindi si Pangulong Digong Duterte.

Lahat ng klaseng batikos, pagbabanta, pagkontra at kung ano-ano pa sinabi at ginawa na ninyo laban kay Digong at sa deklarasyon niya ng Martial Law sa Mindanao. Pero KAHIT ISANG SALITA ng pagbanat, pagmumura, galit o anuman sa Maute terrorists, WALA ANG KAHIT SINO sa inyo. BULAG, PIPI AT BINGI kayo sa mga demonyong Maute pero sa klumikilos para MAILIGTAS AT PROTEKSIYUNAN ang mga inosenteng kababayan natin, DILAT NA DILAT KAYO at daig pa ang mga SIRANG CD na hindi matapos-tapos sa pagdaldal.

Kung MAS IMPORTANTE SA INYO ang Maute terrorists kesa mga inosente nating kababayan, SUMAMA na lang kayo sa kanila ng lantaran, sa bundok o gubat o saanman. Sa halip na UMARTE KAYONG MGA MALA-SANTO o tapagtanggol ng mga karapatan ng sambayanan kuno NANG WALA RIN naman kayong anumang rekomendasyon laban sa Maute. Mas TUTOONG TAO pa sa inyo ang mga PUTA O CALL BOY.

Kung ayaw ninyo, siguraduhin lang ninyong hindi kayo MAS BIBILIS PA SA DAGA SA PAGTATAGO kapag ditto na sa Luzon o Metro Manila manggugulo ang Maute. 30






1 comment:

  1. Are you in need of a loan? Do you want to pay off your bills? Do you want to be financially stable? All you have to do is to contact us for more information on how to get started and get the loan you desire. This offer is open to all that will be able to repay back in due time. Note-that repayment time frame is negotiable and at interest rate of 3% just email us (creditloan11@gmail.com)

    ReplyDelete