Jan. 6, 2016
Kapag sinimulan na ang imbestigasyon muli sa massacre ng SAF
44 sa Mamasapano massacre, si PNOY ANG DAPAT UINANG KWESTYUNIN. At kung wala
siyang DAPAT ITAGO O KINAKATAKUTANG MABUNYAG, DAPAT AGAD PUMAYAG si Pnoy ng walang
anumang alinlangan. Para MAGKAALAMAN NA NG KATOTOHANAN, lalong lalo na sa
pagpigil umano ni PNoy sa mga gustong sumaklolo sana sa SAF 44 sa kainitain ng
labanan, managot na ang dapat pang managot at matahimik na ang mga naulila at
KALULUWA ng mga bayani.
Ikinaila na ng Malacanang na nagbigay ng ‘stand-down
order’ o pinigilan ni PNoy nang susugod na sana sa labanan ang mga kasamahan ng
SAF 44para tulungan at iligtas ang mga natitira pang buhay. Bilang Pangulo, si
PNoy din ang commander-in-chief ng PNP at ng military. SIYA LAMANG ang may kapangyaruhan
na pigilin ang anumang kilos ng mga ito anumang oras niya gusto, gaano man
kagrabe ang sitwasyon. Subalit, at itama ako ninuman kung mali ako, WALANG
ANUMANG PRUWEBA na naipakita ang Malacanang para patunayan na walang pinigil na
saklolo si PNoy para sa SAF 44.
Hindi pa rin malinaw kung bakit HINDI NIYA AGAD
INIUTOS ANG AGAD NA SAKLOLO para sa SAF 44 nang umaga pa lang na humingi na ang
mga ito at rumadyo kung gaano karami ang kalaban nila. Kug matatandaan ninyo,
mga kababayan, lahat ng ulat sa media ay nagsabig ILANG METRO LAMANG ANG LAYO
ng mga kasamahan ng SAF 44 at ng headquarters ng 6th Infantry
Division ng Army sa lugar ng engkwentrto.
Hindi ako pulis o sundalo pero IISA ang sagot ng mahigit 10 opisyal ng PNP at ng Armed Forces nang hingan ko sila
ng kmento --- unang hingi pa lamang ng
SAF 44 ng saklolo ay mayroon na AGAD
DAPAT PINADALA sa mga kasama ng mga ito, gayundin ang 6th Infantry
Division. Subalit tulad ng alam na ng madla, HANGGANG SA MAUBOS ang SAF 44 sa
buong maghapon ay WALANG DUMATING na saklolo.
Isa pang DAPAT LINAWIN ni PNoy ay ANO-ANO EKSAKTO
ANG GINAWA O INIUTOS NYA, bilang cmmander-in-chief, noong kainitan ng labana o
bago napatay lahat ang SAF 44. TANDAAN
NATIN, mga kababayan, ILANG ORAS kasama ni PNoy sa maghapon ang mga pinaka-matataas
na opsyal ng PNP at militar habang tuluy-tuloy na ang bakbakan sa Mamasapano. DAPAT
PANGALANAN ng PNP at ng military ang lahat ng mga kasama o nakapaligid noon kay
PNoy nang ibigay nito umano ang ‘STAND DOWN’ ORDER.’ At higit sa lahat, kailangang LINAWIN din ni
PNoy kung bakit maliban sa pakikiramay sa mga naulila HALOS WALA SIYANG GINAWA,
O GINAGAWA, para mapabilis ang pagbigay ng katarungan ang pag-massacre sa SAF
4. Pero para sa Bangsamoro Basic Law, SIYA MISMO ang paulit-ulit na nagtatanggol dito at nangungulit sa Kongreso
na ipasa na ito. Malalim pa ang
Mamasapano massacre, mga kababayan. HUWAG TAYONG BIBITIW. 30
No comments:
Post a Comment