Saturday, February 1, 2014

DAPAT MAG-SORRY SI PNOY SA HK DAHIL...

SAGARANG KAYABANGAN ang ipinakikita ni PNoy sa patuloy niyang pagtangging mag-apologize ang Pilipinas sa Hong Kong dahil sa pagkamatay ng 8 turista mula rito noong 2010 Quirino Grandstand hostage massacre.
Iyun lamang pulis na nang-hostage ang pumatay sa mga taga Hong Kong, tama.
Pero ang PALPAK AT MISERABLENG paghawak ng insidente ang naging dahilan ng pag-massacre sa mga turista, lalo na iyung tangkang pagaresto sa kapatid ng hostage taker.
Mga pulis ang pumalpak. At kahit sabihing mga pulis-Maynila ang mga ito, itinalaga lamang sila doon ng Philippine National Police (PNP), na ang PANGKALAHATANG PINUNO AY SI PNOY.
Siguro naman ay HINDI BOBO si PNoy, pati na ang mga tagapagsalita niya, na hindi nila alam ang ibig sabihin ng command responsibility. At huwag nating kalimutan, nang kainitan ng hostage crisis ay HINDI SINAGOT NI PNOY ang mga tawag ng mismong pinuno non ng Hong Kong.
Kaya’t pinatutunayan lamang ni PNoy na SAGAD SA BUTO ANG PAGIGING AROGANTE NIYA sa hindi niya paghingi ng paumanhi sa Hong Kong.
Talagang para kay PNoy, HINDI SIYA NAGKAKAMALI KAHIT KAILAN, o ang sinumang may kaugnayan sa Administrasyon niya.
 Ngayon, inuna na ng Hong Kong ang m,ga matataas na opisyal  sa pagpapataw ng visa bago makapasok sa kanilang lugar. Kung sa mga matataas na tao ay nagawa ito, ng Hong Kong, Diyos lamang ang nakakalam kung ano ang gagawin nla sa mga pangkaraniwang Pilipino, lalo na sa ating mga OFW.
Pag lumala ang sitwasyon, pag ang mga trabaho na ng ating mga OFW ang apektado, ANO ANG GAGAWIN NI PNOY?
 Asahan ninny, MANINISI NA NAMAN. Kung sino, abangan!
                                                      ***
Pansinin ninyo, mga kababayan, WALA NANG NANGYARI sa imbestigasyon ng Justice Department ungkol sa posibleng SABWATAN NG MERALCO at ng power producers para makapagtaas ng ubod laki ng halaga ng kuryente.
Buong yabang na inihayag ni Justice Sec Leila de Lima na maglalabas siya ng resulta ng imbestigasyon sa loob ng Enero. Pero Pebrero 3 na, WALA PA RIN.
LALONG WALA na rin tayong narinig kung ano ang naging mga findings ng naturang imbestigasyon makaraan ang isa o dalawang press release yata.
Sabi nga sa Ingles, your guess is as god as mine.
                                                                  ***
SAGARANG KAPAL NG MUKHA naman ang ipinakita ni MALACAÑANG Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma at ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga.
Nang hingan siya ng pahayag sa kasong isinampa ng Ombudsman laban kay dating Chief Justice Renato Corona at sa asawa nitong si Cristina dahil sa umano’y ill-gotten wealth ng mga ito, sinabi ni Coloma na: .“We should be happy that there is progress in our search for truth and justice.”
ANO ANG DAPAT NATING IKATUWA?
WALA PANG NAPAPATUNAYAN ANG OMBUIDSMAN.. Kaya WALANG BASEHAN ang PAGYAYABANG ni Coloma na may progreso na sa paghahanap ng katotohanan at hustisya laban sa mga  Corona.
HINDI ko sinasabing inosente ang mga Corona
Pero para sa mga hindi nakakaalam, sa ilalim ng batas,  SANDIGANBAYAN LAMANG ANG MAY KARAPATANG MAGDESISYON o magsabi, sa anumang paraan, kung tutoo ang mga paratang laban sa mga Corona o hindi.
Hindi ang Ombudsman, at lalong hindi ang sinuman sa Malacanang.
Kaya’t lalong WALANG BASEHAN AT KAYABANGAN to the max ang ipinakita ni Barzaga nang sabihin niyang: “Let the CJ [chief justice] case be a severe warning to public officials...that ultimately the long arm of the law will reach them.”
Para kay Barzaga, ngayon pa lamang, TUTOO ang paratang laban sa mga Corona. TALO NIYA PA ANG SANDIGANBAYAN. 30


No comments:

Post a Comment