Tuesday, February 12, 2019

ANO O SINO ANG PUMIPIGIL SA IYO, CAGUIOA?


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
Kay Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa:

ANO O SINO ang pumipigil sa iyo para IPALABAS NA ANG RESULTA ng recount ng mga botong sakop ng naturang kaso? PINATIGASAN mo na nga ang NEWS BLACKOUT sa  bilangan at mga nadidiskubre doon, ngayong may resulta na INIIPIT MO pa rin? ANO BA MERON, Your Honor?

Alam na alam naman naming sambayanan na RESULTA PA LAMANG IYAN ng recount. Hindi kami tanga para hindi maintindihang hindi pa iyan ang final decision. Kaya KATARANTADUHANG MALAKI kung sasabihin mong baka mind-conditioning ang mangyari pag nagkataon.

Tulad ng ilang ulit ko nang sinabi sa mga nakaraan kong blog, hinid naman magkaka-civil war o rebolusyon kung malalaman ng sambayanan ang resulta. WALA namang nababalitang banta ninuman na manggugulo siya o sila kapag ipinalabas mo na iyung resulta. Kaya hindi mo rin masasabing may security threat.

At ang PINAKA-MATINDI, minsan o dalawang beses nang IDINEKLARA ng abogado ni Leni Robredo na si Romy Macalintal na ‘game over’ na kuno ang protesta ni Bongbong. May sinabi oa syanbg eksaktong bilang ng mga karagdagang botong mapupunta sa kanila. Pero WALA KANG GINAWANG AKSIYON, NI HINDI MO SILA PINUNA. KINUNSINTI MO.

At ngayon, resulta ng recount INIIPIT MO! Nang WALA kang binibigay na paliwanag. Kaya MAGPAKATOTOO ka na, Mr. Caguioa. Kanino ka ba, SA TAUMBAYAN AT SA KATARUNGAN O KAY ROBREDO? Kahit GA-BALAHIBO lang, mahiya ka naman sa aming pinanggaglingan ng suweldo mo.
                                                             ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



1 comment: