Sunday, February 10, 2019

KITANG-KITA NANG MATATALO ANG OCHO DERECHO


Image result for images for leni robredo with ocho derecho
Ngayon pa lang, KITANG-KITA nang matatalo ang Ocho Derecho senatorial candidates ni Leni Robredo sa darating na eleksiyon.

National o social media man, HALOS WALANG LUMALABAS na balita o photo ng maramihan at mainit na pagtanggap sa Ocho Derecho  sa mga pinupuntahan nila. Kumpara sa mga videos o pictures at balita ng maramihan at masayang pagsalubong, halimbawa, kina Glenn Chong at Imee Marcos na makikita sa social media.

Itama ako, agad, ninuman kung mali ako.

Dagdag pa rito ang patuloy na kahinaan sa surveys ng Ocho Derecho. Kahinaan na INAMIN na ni Liberal Party President Francis Pangilinan ilang linggo na ang nakakaraan.

At ang HINDI NA MAIKAKAILANG NEWS BLACKOUT kay Glenn sa national media sa mga exposes niya ng dayaan sa 2016 eleksiyon at iba pang isyu na lalong magpapamahal sa kaniya sa taumbayan.

Kumontra na ang kokontra.

At for the record, HINDI AKO TAUHAN ni Imee o ni Glenn. O ng sinumang taga-suporta nila, at ng iba pang kontra kay Robredo at sa Ocho Derecho. Puwedeng iverfiy ninuman, saan man, kailanman.
                                                       ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment