Monday, January 8, 2018

DELIKADO SI BONGBONG KAY LENI!

Image result for leni robredo with bongbong marcos

09 Jan. 2018

DELIKADO si Bongbong Marcos kay Leni Robredo, mga kababayan! May mga senyales na baka ‘MAGMILAGRO’ na naman tulad noong 2016 eleksiyon!

Tumaas pa ulit ang ratings ni Leni sa pinakabagong surveys kumpara sa sinundan nito. Tumaas pa ‘kuno’ kahit na hanggang ngayon, PURO DALDAL lamang siya at WALANG ANUMANG SARILI AT PISIKAL NA ACCOMPLISHMENT na maipapakita, o anumang nagawa na nakalutas ng anumang problema ng sambayanan. Sa madaling salita, WALANG ANUMANG DAHILAN para mas lalo siyang mahalin ng taumbayan, tulad ng gustong palabasin ng latest ratings niya.

Pansinin ninyo, mga kababayan: GANITONG-GANITO ang nangyari noong bago magelesiyon noong 2016.

Mula sa kung hindi PANGHULI, o pangalawa o pangatlo sa panghuli, biglang nag-number 1 kuno si Leni sa surveys isa o dalawang linggo bago ang araw ng halalan. Kahit na NI ISA, WALANG KILALANG MALAKING GRUPONG nagpahayag ng suporta sa kaniya.  

Ngayon, kung kailan nalalapit na ang  simula ng recount ng mga boto nila nu Bongbong, HIMALA na biglang NAPAPAMAHAL KUNO LALO si Leni sa taumbayan. Sa mga hindi gaanong nakakaintindi: Kapag natalo siya sa recount, magagamit ni Leni ang pataas niyang ratings kuno bilang pangonjtra o pamprotesta.

Sasabihin niyang paano siya matatalo samantalang pinapakita ng surveys na mahal at lalo siyang napapamahal sa taumbayan sa pagipas ng mga araw.  Kapag nanalo naman siya, sasabihin naman ni Leni na katunayan ang surveys na mahal siya ng taumbayan talaga.

Kaya delikado tayo, mga kababayan. LALO NA SI BONGBONG.!30



No comments:

Post a Comment