Sunday, July 30, 2017

BUTAS-BUTAS ANG PAROJINOG ALIBIS!

Parojinogs
Mayor Parojinog and Nova










31 July 2017

May mga butas akong nakikita sa mga alibi ng kampo ng mga Parojinog tungkol sa mga police raid na isinagawa sa kanilang mga tahanan at farm sa Ozamis City kahapon na nagwakas sa pagkamatay ng kanilang mayor na si Reynaldo Sr, ang asawa at kapatid nito at 10 iba pa matapos nilang manlaban.

Sinabi ng inarestong analk ng mayor na si Nova Princess, na siya ring vice-mayor ng siyudad, na hindi kaniya ang P1.4 milyong cash, mga baril, bala at hinihinalang shabu na nakuha sa kaniyang bahay. Planted o inilagay lamang daw ang mga iyon ng mga pulis na nang-raid.

Pero sa isang video na kumakalat sa Facebook, kitang kita na MAY MGA KASAMANG TAGA-MEDIA ang mga raiders nang maghalungkat sila sa bahay ni Nove, sa harap nito mismo matapos nila itong areestuhin, IMPOSIBLENG HINDI MAPANSIN ng mga taga-media kung basta na lamang nilagay ang pera, hinihinalanag shaub, mga baril at bala habang hinahalukay nila ang gamit ni Nove. Kung gagawa ng kalokohan ang mga pulis, hindi sana nila hinayaang makap[sok sa bahay ni Nova ang mga taga-media habang naghahanap siila.

Sabi ni Nova, sinugod muna ng mga pulis ang bahay niya bago inmplemenet ang search warrant. Natural. Paano maiimplement ang search warrant kung hindi pupuntahan ang bahay niya?

Ayon naman sa abugado ng mga Parojinog, walang barilang nangyari tulad ng iniulat ng  mga raiders. Pero WALA SIYANG MAIHARAP NA TESTIGO. Puro sa ulo daw ang tama nina mayor, aswa nito at kapatid kaya hindi na raw magagawa ng mga ito na manlaban. Pero sa mtga naglalabaasan nang photo ng mga bangkay ng tatlo sa Facebok, kitang kita na duguan pati ang katawan nila. Isa pa, walang sinabi ang abugado tungfkol sa mga security nina mayor at ng iba pang ni-raid ng mga pulis, na PAWANG ARMADO LAHAT.

PINUNA KO LAMANG ang mga kataka-taka. WALA AKONG KINAKAMPIHAN! Malinaw ha, WALA AKONG KINAKAMPIHAN. Sumagot na ang gustong sumagot.




No comments:

Post a Comment